Batang RizalBATANG RIZAL

Written by Christine Bellen
Directed by Dudz Teraña
Musical Direction by Vincent De Jesus

September 24-26, 2010 (10:00am, 3:00pm)

Rates:
Walk-in: P300.00
Blockbuyer: P260 (minimum of 50 tickets)

 

Available for Mobile Presentation starting July 2010
Performing at SM Fairview: January 28-30, 2010

 

Nawawala si Rizal! Buwan ng Wika at may regalo si Mayor Rapcu sa Mababang Paaralan ng Rizal - isang bantayog na simbolo ng paaralan - ang rebulto ng Batang si Rizal. Ngunit pagtanggal ng telon, ang lumabas ay hindi si Rizal kung hindi si Pepito. Galit na galit si Mayor Rapcu. Pinababayaran niya sa pamilya ni Pepito ang bantayog. Kung hindi ito maililitaw, mawawalan ng trabaho ang tatay niya at aalisin silang magkakapatid sa Rizal Elementary School. Honor student pa naman si Pepito. Isang Linggo lang ang taning na ibinigay ng principal at adviser upang maibalik ang bantayog.

 

Ano nga bang nangyari sa bantayog? Nakatago ang bantayog. Kaninang umaga kasi ay siksikan sa classroom at natabig ni Pepito ang bantayog. Napingas tuloy ang ulo nito. Dahil sa takot, itinago niya ang bantayog sa bodega ng lumang damit habang nag-iisip.

 

Ano ang gagawin mo kapag nakita mo si Rizal sa personal?
Pagbukas ni Pepito ng pintuan sa bodega para silipin ang sirang bantayog, ay iba ang kanyang napuntahan. Siya ay nasa panahon ng "Ang Batang si Rizal." Magkikita si Pepito at si Pepe. Doon ay kanyang masasaksihan ang mga pinagdaanan ng ating pambansang bayani noong ito ay isa bata pa lamang. Dahil kapwa sila matanong ukol sa buhay at kasaysayan ng kani-kanilang mga panahon, naisipan nilang bisitahin din ang ngayon.

 

Ano ang gagawin ni Rizal sa kasalukuyan?
Ang Batang Rizal ay isang dula tungkol sa bayani.. noong siya ay hindi pa ganap na bayani. Pero ito ay tungkol din sa kung paano madidiskubre ng isang bata ang bayani sa kanyang kalooban. Mula sa makulay na adventures ni Pepe at Pepito, nais ng PETA na ibahagi sa mga bata at iba pang manonood na may kabayanihan sa bawat isa. Makikita nila si Rizal bilang isang bata ngunit makikita rin nila ang kanilang sarili - malikot, mabait, makulit, may angking talino, at puwedeng puwede ring maging isang Rizal.

 

<< Back to Current Season